Saturday, January 28, 2017

Bagong Nars sa Amerika

Nakarating din ako sa Amerika sa wakas. Ang tagal din ng hinintay ko. Salamat sa Diyos natupad din ang isa sa mga pangarap ko. Nagtrabaho ako sa Saudi bago ako pumunta dito na malaking tulong din sa adjustment sa work. Sa ICU ako naassign. So far eto yung mga pagkakaiba sa mga nakasanayan:



1.     HANDOFFS
Nakasanayan ko ang terminong “endorsement” pag nagbibigay na ng report sa next shift. Nung sinabi ko sa nurse “I will endorse my patient to you”, hindi nya ako maintindihan. So inexplain ko yan yung nakagisnan kong term sa handoffs. Natawa lang sya.



2.     Mobile Computers
May mobile computers sa loob ng lahat ng rooms. Pwede ka magdocument dito or sa computers sa labas. So may computer sa loob ng room, sa labas ng room at iba pa ung computers sa nurses’ station. In short, madami sila computer dito. Yung sa loob ng room ginagamit mainly para sa medication administration or printing out labels para sa labs. So meron itong scanner and printer para sa labels. Puro scan ng patient dito na mejo nakakatagal sa work pero increases patient safety. Everytime magadminister ng medication, open mo yung emr (epic ung gamit namen), scan yung id band ng patient, scan yung medication then pwede mo na iadminister. So iwas sa medication error kase magaappear sa emr kung wala sa MAR nung pasyente yung iniiscan mo na medication or kung hindi tugma yung dose. Pag magsesend naman ng labs, yung patient sticker sa loob mismo ng room nagpiprint. Carefusion yung gamit namen. Ganun din scan ung patient id, then print yung sticker, kuha ng specimen, idikit ung sticker sa specimen container, then scan ulet yung sticker to confirm sa system na nakuha mo na yung specimen, then scan ulet yung patient id to exit carefusion application. Importante kase na you label your specimens inside the patient room para maiwasan ang error like wrong patient label for blood crossmatching (nakakamatay). So grabe ang measures nila dito for patient safety.



3.     Toomey Syringe
Hindi nila ako maintindihan sa “Asepto Syringe”. Toomey ang tawag nila dito sa syringe na yan.



4.     IV compatibility and Carrier Fluid
Nasanay ako sa ICU (sa Saudi) pag ang pasyente with multiple infusions usually magkakasama yung pressors sa isang port then magkakasama rin sa isang port yung sedations. First time ko dito nakita ung sedations and pressors nasa iisang port kase compatible nmn. Bale meron kami computer app to check ung IV compatibility.

Gumagamit din sila dito ng carriers (NS at 10mL/hr) para sa mga infusions na less than 10mL/hr ang rate. For example sa isang port na magkakasama yung pressors and sedations na compatible usually sa dulo may carrier para makapasok agad sa patient ung medication especially pressors na mababa lng yung rate.



5.     Accudose
Accudose ang gamit sa unit namen. Most of the patients’ medications ay nandito na. Pharmacist ang nagrerefill neto. Fingerprint scan lng or type username/password to open it, choose your patient then choose the medication. Connected sya sa epic so yung active medications lang ng pasyente from epic yung magaappear. Pwede rin magoverride at kumuha ng emergency medications like if the patient is for intubation at hindi pa naorder sa epic. Pero kung kumuha ka ng meds through override, magaappear din yun automatically sa MAR sa epic at kailangan mo idocument yung administration mo. Lahat ng infusions ang pharmacy ang nagmimix so bawas workload sa nurse. Like levophed infusion or phenylephrine infusion nakamix na sya at nakalagay sa fridge ng accudose. May ibang medications na hindi available sa accudose. Sinesend ito ng pharmacy at nilalagay sa designated medication bins ng patients, Most of the antibiotics ay nasa accudose na at kailangan na lang idilute. Eto ang gamit sa pagdilute ng mga antibiotics:



Bale iispike mo lang yung vial ng antibiotic jan. Then ibend mo lng parang leeg nung spike adapter to break it para makapasok ang NS sa vial by squeezing the NS bag. Pag nafill mo na ng NS yung vial, mix mo lng then kapag diluted na, hold it upside down, squeeze the NS bag para yung air sa NS bag pumasok sa vial at yung laman ng vial ay mapunta sa NS bag. So hindi na kailangan gumamit ng syringe to dilute or aspirate yung antibiotic.




6.     Pneumatic Tube System
Pneumatic Tube System Carrier (second pic)
Eto ang gamit namen kapag magsesend ng labworks. Ilagay mo lng ung specimen sa carrier, then iposition mo sa tube system (first pic yung nakavertical na carrier), ipunch mo yung station ID ng padadalhan mo ng specimen (e.g. laboratory) then press send. Isusuction na nya yang carrier papunta sa laboratory. Ginagamit din yan ng pharmacy for example may missing medication ka na hindi available sa accudose, nagsesend lang kami ng message sa pharmacy (using epic) then isesend ng pharmacy yung medication sa tube station. Ginagamit din nmen yan kung kailangan ng blood, isesend lang namen yung blood requisition form gamit ang tube station to blood bank. Then isesend din ng blood bank yung blood through the tube station pero bago nila ipadala, tatawag muna sila sa phone mo to let you know para makuha mo agad yung blood at hindi matengga sa tube station.



7.     Phone
Lahat ng nurses dito may wireless phone. So kahit nasan ka, kung may gusto kang ifollow-up or gusto mo kausapin yung doctors or ibang staff at hindi mo sila makita sa unit, tawagan mo lang. Every shift ina-update ng charge nurse yung patient assignment, nakalagay rin dun yung extension number ng nurse assigned. Nakapaskil eto sa computer station ng mga nurses just outside the patient room at sa bawat sulok ng nurses’ station. So kung may nangangailangan sayo, madali kang kontakin like kung patient rounds at wala ka sa bedside tatawagan ka lang ng doctor. Deretso ka na rin kokontakin ng laboratory kung may critical lab value ang pasyente mo. Dito ka rin tatawagan ng blood bank kung isesend na nila yung blood sa tube station kaya importante na nakalagay yung extension number mo sa blood requisition form na ipapadala mo sa kanila.

Madami pa ako gusto ishare pero to be continued muna hehe! Update ko ulet kayo pag may time. Kung may mga specific kayo na katanungan, just feel free to comment it below. God bless sa inyong lahat!

"And whatsoever ye do in word or deed, do all in the name of the Lord Jesus, giving thanks to God and the Father by him."
Colossians 3:17




11 comments:

  1. Nice.kktpos lng din ng orientation ko kya naapreciate ko ung sinulat mo kc ganyan din comment ko

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wow congrats Kyrk! madami pa akong bloopers dito hehe! Feel free to share yung experiences mo para mas matulungan pa naten yung mga baguhan. God bless! =)

      Delete
  2. Same na same. Nawindang nga ako..ung chem may machine reader n mismo at prang blutooth automatic updated na emr record ng pt. Sa.pinas may mga plebo p na kumukuha tpos aabutin p ng klhating araw or minsan isang araw bgo mkita result. Dto 2min lng my result na hehe. Pti.unf cbg monitoring wow automatic updated n din emr pgkuha mo cbg. Samntlng sa pinas mano mano hehe.

    ReplyDelete
  3. Same na same. Nawindang nga ako..ung chem may machine reader n mismo at prang blutooth automatic updated na emr record ng pt. Sa.pinas may mga plebo p na kumukuha tpos aabutin p ng klhating araw or minsan isang araw bgo mkita result. Dto 2min lng my result na hehe. Pti.unf cbg monitoring wow automatic updated n din emr pgkuha mo cbg. Samntlng sa pinas mano mano hehe.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga mabilis dito at maganda nasa emr na lahat. Mas nakakafocus pa sa patient kase yung role mo as a nurse talaga unlike sa experience ko sa Saudi na pati role ng porter, cleaner, pati pagrefill ng stock room e nurse ang gumagawa.

      Delete
  4. Bloopers b kmo? Eto. Ngtanong ako sa bt. San kinukuha ang dugo. Sabi sa american red cross. Tnong ko ilng araw dumadting?ntawa cya. Gling ako sa pinakamlkinh ospital sa pinas, at ang dugo inaabot ng aras bgo.dumating gling red cross lol. (Pg wala kmi.stock sa blood bank)

    ReplyDelete
  5. Bloopers b kmo? Eto. Ngtanong ako sa bt. San kinukuha ang dugo. Sabi sa american red cross. Tnong ko ilng araw dumadting?ntawa cya. Gling ako sa pinakamlkinh ospital sa pinas, at ang dugo inaabot ng aras bgo.dumating gling red cross lol. (Pg wala kmi.stock sa blood bank)

    ReplyDelete
  6. Hehehe mabilis nga tlg dito. Sobrang layo compared sa pinas. I'm really hoping na maimprove din ang healthcare sa ating bansa.

    ReplyDelete