Friday, February 10, 2017

Bagong Nars sa Amerika Part 3




15. Boost Up

Yan yung term nila dito pag gusto nila ayusin yung patient sa bed at iturn. Sasabihan ka nila “Can you help me boost up my patient?”




16. Prevalon AirTAP System
Isa eto sa mga amazing equipment nila na nakita ko. Malaking tulong to protect our back when we “boost” our patient up in bed and turn them. 


Eto ang airtap booster pump. Pag ireposition ang patient, iturn-on lang then iinflate nya yung glide sheet so napakadaling hilahin yung pasyente pataas sa bed. Malaking tulong sa likod naten at sa pasyente rin kase iwas friction sa likod nila while repositioning them. 

These are the glide sheet, body pad, and body wedges. Yung booster pump hose ikakabit sa glide sheet. Sa picture yung sa may kulay orange jan yung butas kung san ikakabit yung hose. Yung orange is a velcro to tighten the connection of the glide sheet and hose. Yung body wedges ang gamit to turn the patient. Yung isa may tail. Bale isang set na yan at single patient use. Panoorin nyo nalang tong video para mas madali hehe!




17. Stethoscope

Lahat ng nurses dito may kanya-kanyang stethoscope. Nasanay ako sa Saudi per room may steth. Dito kanya-kanya maliban nalang kung isolation yung patient ang gamit ay yung disposable stethoscope.

Ganito ang itsura ng disposable stethoscope:



18. Flashlight


Per room may flashlight. Eto ang gamit nila dito pag-assess ng pupils. Nasanay kase ako sa penlight. Saka inaassess nila ang pupils kahit naka-on ang ilaw siguro dahil malakas ang flashlight. Ako lang yata nagpapatay ng ilaw pag magaassess ng pupils hehe!






19. Sequential Compression Device 
Lahat ng patients may SCD (except kung contraindicated like positive DVT). Ginagamit eto to prevent DVT. Kahit na may DVT prophylaxis (e.g. heparin SC) nakaSCD pa rin ang patient. Sa pinanggalingan ko kase ginagamit lang namen ang SCD kung walang DVT prophylaxis medication. Kaya lahat ng rooms may scd machine.

Sa mga hindi familiar sa paggamit ng SCD, here's the video:



20. Heel Protector


Eto ang gamit namen to elevate/protect the heels of the patient. 







21. Communication Barrier
Nakakanosebleed talaga dito. Minsan talaga nakakailang "What?" ako sa kanila. May times na tatawa ako pero hindi ko naman gets yung joke nila (kung alam lang nila sarili ko pala ang tinatawanan ko lol). Hindi ako mahilig manood ng english movies/shows kaya eto ako nganga. The best advice that was given to me when I was reviewing for IELTS – THINK IN ENGLISH. For example, instead na yung nasa isip mo is "Ano kaya gagawin ko ngayon?", think "What am I going to do today?". Like sa Philippines kung wala ka makausap ng english think in english na lang. That's the best exercise para saken. Pag may time kayo, nood din kayo English shows para mafamiliarize kayo sa mga pronunciation nila. 

Yan muna sa ngayon. Dagdagan ko na lang ulet pag may time. God bless you all!


"For I know the thoughts that I think toward you, saith the LORD, thoughts of peace, and not of evil, to give you an expected end."

-Jeremiah 29:11




2 comments:

  1. Salamat uli sa 'yo sa tiyaga mong magturo at magkwento pa ng experiences mo sa amin.
    Ang hi-tech nyo talaga dyan! But for all I know sa mga SNF manu-mano pa din pati charting.
    Tama ka dapat talaga habang maaga mag-effort nang matutong umintindi at magsalita ng ingles. Nakaka-stress kasi pag hirap ka lalo na pag phone orders.

    ReplyDelete
  2. Oo may mga ibang ospital din dito hindi pa electronic charting pero mangilan-ngilan lang. Oo dapat talaga magprepare ng maaga = )

    ReplyDelete