Monday, August 21, 2017

Bagong Nars sa Amerika Part 4



Hello mga friends! Pasensya na ngayon lang ulit ako nakapagsulat. Heto na ang part 4 hehe!



Nagtry nga pla ako magtake ng CCRN. Certification ito para sa mga acute and critical care nurses. Salamat sa Diyos nakapasa ako. Sobrang prayers lang talaga. Sa mga may balak magtake din ng CCRN, review lang ng PASS CCRN Q&A. May nakita ako online na nagshare ng password nya for PASS CCRN kaya nagkaron ako ng access tas yun ang nireview ko. Diko nga natapos reviewhin lahat ng questions bale nasa 1k+ yung total questions. Ishare ko sana sa inyo kaso iniba na nung may-ari yung password nya, di ko na kase maaccess.



So balik tayo sa Part 4..


1. Vocera





Ito na ngayon ang gamit namin na phone. Kulay black yung samen. Very handy xa kase isusuot mo lng or ikakabit sa uniform like a badge. Kailangan muna maglog-in gamit yung name mo. Pipindutin lng yung circle button then kakausapin mo na si vocera. The vocera genie will ask you to tell/spell your first and last name to log-in. Kung gusto mo tawagan kasama mo just press the button then sabihin mo lang "Call (name ng kasama mo or kung sino gusto mo tawagan)". Kung busy yung tinatawagan mo or hindi nya inaccept yung call, tatanungin ka ni vocera kung gusto mo magleave ng message. Kung may tatawag din sayo, sasabihin nya kung sino ang tumatawag at tatanungin ka ni vocera kung gusto mo iaccept yung call o hindi. Maganda xa kase you can answer a call without touching the phone like pag busy ka at nakagloves. Tatanungin ka lang ni vocera kung gusto mo iaccept yung call then sagutin mo lang ng yes or no. If your answer is no, yung tumatawag can leave a message. Bale nakaloud speaker ito pero kung gusto mo ng privacy may handset mode din. Pwede rin gamitan ng earphone pero wala kami nun.









2. Imprivata RF proximity reader





Ito naman yung mga nakakabit sa mga computer namin para mas madaling maglog-in. Tinatap lang yung badge namin jan so no need na na itype yung username and password. Then same thing pag kailangan na maglog-out, tap ulet jan yung badge.




3. I'll go number 1 or number 2

Yung relative ng pasyente ko dati sinabihan ako ng "He wants to go number 2" (referring sa patient). Ako naman clueless buti narinig nung kasama ko at inexplain nya na that means the patient wants to defecate. I've searched about it and found out that it's usually used on children pero ginagamit din pla na term ng matatanda. Number 1 naman daw for urine. Sabi ng kasama ko nahihiya raw ata sila na sabihin yung exact word kaya yan ang ginagamit.




4. Swabcap




Ginagamit namen ito sa lahat ng mga lines pati sa mga port ng IV tubings, kung may infusion, to prevent infection. May pad yung cap sa loob na saturated with 70% isopropyl alcohol. Everytime na iaaccess namen ung line ng patient, pinapalitan namen ng bagong swabcap.






5. Bladder Scanner




Ginagamit ito usually after removing a urinary catheter tas hindi pa nagvoid yung patient within 6 hours (depende sa protocol ng ospital) or kung may abdominal fullness or discomfort yung patient to check for urinary retention. Dito samen kapag tinanggal ang urine catheter at hindi nagvoid within 6 hours, gagamitin namen yung bladder scanner then kapag >300mL yung urine, i-straight cath namin.








6. Ceiling Lift





Lahat ng rooms dito may ceiling lift so hindi mahirap magtransfer ng patient from bed to chair or from bed to stretcher, etc. Sometimes ginagamit rin pangassist to turn the patient.


7. Medic Anti-Stick Needle




Ito ang gamit namen na needle for:



Maganda ang needle na 'to kase it reduces the risk of accidental needlesticks.


Hanggang dito nalang muna. Next time ulet!


O give thanks unto the LORD, for he is good: for his mercy endureth for ever.
                                                                                                                                                                       Psalm 107:1



No comments:

Post a Comment